Nakakita ka na ba ng lalaking umiyak dahil sa pag-ibig?
ako? oo..
di ko lubos maisip na sa mga problemang pinagdaanan naming dalawa ay nakuha nyang umiyak.. babae ako, mahina ang loob ngunit sa mga bagyong dumating sa buhay ko nanatili akong matatag,..
umiiyak ako, oo, pero tinatago ko yun para lang maipakita sa lahat na matatag akong tao.. lubos akong di makapaniwala sa kanyang ginawa dahil nagkaroon lamang kami ng konting problema.., nasabi ko sa kanya na siguro'y dapat na munang maghiwalay upang maliwanagan ang kani-kaniyang isipan.. nirespeto nya naman ang aking desisyon ngunit nang gumabi na ay bigla kong naramdaman ang ring ng celfone ko.. sinagot ko naman.. ngunit walang nagsasalita.. nakinig akong mabuti.. may umiiyak.. sino? sya ba? bakit ka umiiyak.. di daw nya mapigilan,.. sabi koy' "cge iiyak mo lang, handa akong makinig sa mga hikbi mo..."
ngunit di ko rin napigilan ang sarili ko, tumulo din ang luha.. pinahiran ko yun, at humugot ng isang napakalakas na buntong hininga... dapat akong maging matatag...
nagsalita sya..sa di masyadong malakas na boses nya naririnig ko ang hikbi nya kasabay ng kanyang mga salita.. natatakot daw syang iwanan ko.. sa dami ng mga babaeng dumaan sa buhay nya ngayon lang daw sya umiyak.. dahil sa akin? syempre lumaki tenga ko... pero bakit ako?
maraming tanong sa isip ko na di pa masasagot sa mga panahong ito.. dapat akong maghintay na masagot nya yun sa takdang panahon..
umiyak din ako sa dahilang masaya ako sa narinig ko ngunit bumulong si utak sa akin... naniniwala kaba sa sinasabi nya? baka drama lang nya yan eh''
pasaway na utak.. kung kaya't tinanong ko sya.. kung nagsasabi ng totoo, kailangan ko ng proweba..
nung mga oras na yun, naririnig ko na pinagagalitan sya ng tatay at nanay nya..
uminom? babae? paapekto? gugma? marami akong narinig mula sa kabilang linya ng celfone..
pinaka usap nya yung tatay nya sa akin...
ha? para makasigurado daw ako na nagsasabi sya ng totoo... nagtanong yung tatay nya sa akin kung ano raw yung pinakain ko sa anak nila at nagkakaganun.. eh di naman yan ganun noon..
wala akong mahagilap na sagot.. nakinig lang ako, namutawi sa aking labi ang kaba at tuwa...
masaya daw sila at ako yung nahanap ng anak nila, malaki ang ipinagbago nito at nakikinig na sa kanila.. masaya ako at ganun ang pagtingin nila sa akin bilang nobya ng anak nila..
mas masaya pa ako nung tinanong nya ako kung kumusta ako at kung ok lang ako.. sabi ko'y ok lang pagkat sanay na ako sa mga intriga at laging pinagagalitan, siguro'y tumigas na yung puso ko.. sabi nya, kung sinong mahal ng anak nila ay mahal dn nila.. 'mahal ka namin..'
pinasa nya ulit ang celfone sa anak nila at narinig ko 'oh, wag mong pababayaan si nene.. mahalin mo sya at wag hahayaang masaktan'...
di ko na napigilan ang sarili ko, umiyak na ako ng umiyak.. tuwang tuwa ako sa aking narinig..
ngayon ko lang naramdaman ang ganung bagay sa tanang buhay ko..
umiyak din sya.. tinanong nya ako ''di ka pa ba naniniwala sa akin? gusto mong makausap si nanay?''
sabi ko,,.. '' wag na sapat na yung naririnig kitang umiiyak.."
ni minsan sa mga panahong naging kami.. di ko sya nakitang umiyak... ngayon lang..!
ngayon ko narealize.. "mas masarap mabuhay at magmahal kung nagsasabi ka ng totoo at open ka sa pamilya mo..."
(ang lahat ng detalyeng inyong nabasa ay hango sa aking karanasan at ito ay katotohanan)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment